Sunday, October 31, 2010

Hihiga ako at papanoorin kita habang pinapalakpakan ka ng mga taong humahanga sa’yo...


Humiga ako dahil sanay ako sa posisyong ito habang nanonood ng telebisyon ng biglang...



Kumakalabog ang platong nakapatong sa lamesa.
Kinakain ng pusa ang ulam na itinira ko para sa’yo.
Nabusog siya, habang ikaw, tumatakbong papalapit sa kanya at akmang hahampasin siya ngunit wala ka ng magagawa dahil ubos na ang ulam mo.
Magmumukmok ka dahil nawalan ka?
Bakit hindi ka bumile ng bago?
Dahil ba gusto mo ang ulam na tinira ko sa’yo?
Hindi na siya para sa’yo dahil inagaw na siya ng pusa.
Una’y ako, ngunit nagsawa ako kaya itinira ko na lamang sana para sa’yo, ngunit hindi mo binantayan at madali siyang nadagit ng pusa.
Antayin mo’t magsasawa din siya.
Ngunit wag kang magtataka sa makikta mo kung tinik nalang ang maabutan mo, at inubos na ng pusa ang laman ng asawa mo.

Monday, October 4, 2010

Thursday, June 3, 2010

Those fuckers didn’t deserve my interest. What they ought to have is my sympathy. I pity you for forcing others to like your picture. What’s on my head? Is it likable? Hahahahaha. Well, I’m not with the involvement in this sort of a senseless thing which is really getting on my nerves at times. But consider the fact that a dirty-little trying hard freak posts his, I must say, not-that-good picture on a page which is not his’. Can I ask, may maipagmamalaki ka? Alin? Yung hindi mo pagkibo nung sinugod kita date? O yung pinost mong “something” sa wall mo citing my name na binastos mo pa? :DD C’mon! Act at your age kid :) You condemned me as insecure and feeling. Hahahahahaha! I condemned you wicked, timid and obnoxious. Hahahahahaha! Anyway, I visited your profile and I saw this photo album named “cutiest face on Earth” For your information and for you to learn, there’s no such word as CUTTIEST. :DD Change it! That must be “The Cutest Face on Earth” Hahahahaha. Baka isipen, yan ang tinuro sa St. Peter Academy which I’m proud na dun ako nanggaling. :) If you still didn’t get my point, well, a round of applause for you. Hahahaha! Above all, Thou Shall Not Kill.

Sunday, May 30, 2010

Tonight, After the Love, I Heard a Mournful Lullaby

Drink the wine.
Lie on the floor.
Color my dreams with black and red.
Flush my night with lust and love.
Fill my senses with that French kiss.
Caress me with a stroke.
Dance with me.
Move your body same as mine.
For tonight, we will be one.

Wine, drive me wild.
For I’ll be dancing with you throughout the night.
The lights keep flashing on us.
Escape the world of love.
Let’s cross the threshold.
I’m thrilled with the highlight.
Slow mo.
The lights are turned off.
For tonight, we will be one.

Hindi kita iniwan, ikaw ang nagsawa.
Hindi ako ang umalis, ikaw ang naghanap.
Hindi ako nagsawa, pero ikaw ang nang-iwan.
Hindi ako naghanap, pero umalis ka.
Ulit-ulitin ko mang paikutin sa diwa ko,
Isang sagot ang natatamo ko.
Isang sagot na may kasamang pagtataka.
Isang sagot ng pangungulila.

Tonight, I’ll be drinking the wine that will calm my disturbed self.
Iinuming pilit ang alkohol na maglalagay sa akin sa mundong sigurado akong ako ang lumikha.
Ang mundong minsan kong kinalimutan para tahakin ang mundong iniaalok mo.
Tonight, I’ll pretend that I was one of those beings who see solitude as luxury.
Magpapakasaya ako kasama ng alak at mga ilaw na magbibigay ng panandaliang kulay sa
entabladong sanay tayong makitang umiindak, sumasayaw.
I’ll be lying on the floor all by myself for I’m wrecked in this particular tumultuous time.
Because tonight, after the love, I heard a mournful lullaby.
Goodnight! Goodbye for good.

Sunday, May 23, 2010

Kahapon,
Sinamahan mo kong tahakin ang daang pinilit nating dinaanan para masabing,
ISA TAYO SA NAPILI NIYA.
Sabay tayong humakbang, tumalon, tumakbo, nanghina, bumagsak at sumuko.
Sinamahan mo ko sa panahong ika’y humahakbang, habang ako.. nanghihina.
Pinilit mo kong pinabangon nung bumagsak ako at isinabay mo ko nung tumalon ka.
At nung sususko na ako at pakiramdam ko’y nag-iisa ko, tumakbo ka at dinamayan ako.
Kahapon, pinaramdam mong may kaibigan ako.
Ngayon,
Sinabit mo ang makulay na telang nagsabi sa’king “Sige!”
Ibinulong mo ang mga salitang kanina ko pa hinihintay sa kanila.
At ikaw lang ang nakapagbulong sa’kin ng bagay na ‘yon.
Itinuro mo sa’kin ang kangina pang hindi ko maisip.
Itinulak mo ko sa banging akala ko’y matarik.
..sa pagbagsak ko, natuto kong lumipad.
Ang tanging hawak ko ay itim na lapis.
Pero kinulayan mo ng dilaw ang araw.
..ng pula ang rosas.
..ng asul ang ulap.
..at ng berde ang dahon.
Ah! Ngayon, tinuruan mo ko. At muli, pinaparamdamn mong may kaibigan ako.
Bukas,
Limang minuto nalang at babagsak na ang kanina mo pang hinihintay, ang ulan.
Bubuhos ito upang sabuyan ng kulay ang paghakbang mo sa mundong di ka sigurado.
Ihehele ka sa mga gabing tinakot ka ng kulog.
Papakalmahin ka sa paghanga mo sa kidlat.
At kung hindi umepekto?
Lalakas siya at magiging bagyo.
Siya.
Siya ang magiging sandata mo sa sisimulan mong mundo.
Ang ulan na minsan mong pinaanudan ng bangkang lulan ang ‘yong pangarap.
Ang patak nito na pinilit mong inabot mula sa bubong hanggang sa iyong palad.
Siya ang magsisilbing awitin mo sa malumbay na gabi.
At bukas, maalala mo kung paano mo pinaramdam na may kaibigan ako.


I made this poem for Marione and I just want to share it with my readers. :)

Thursday, May 13, 2010

Ikinawit ang kamay sa hangin at itinikwas ang hintuturo.
Lumakad.
Humakbang paakyat.
Umupo.

Nakita kita at napangiti ako.

Bagay sa'yo ang mata mong kumikinang.
Nakikita mo ba ko?
Sana..
Saan ka tumutingin?
Wag dyan!
Tinitingnan pa kita.

Bagay sa'yo ang ilong mong kumukulubot 'pag ika'y sumisimangot.
Naaamoy mo ba ang pabango ko?
Sana..
Sana kahit katiting na pansin, inilaan mo sa'kin.
Para hindi ko na ulit kailangang buksan ang bag ko, at magpabango ulit.

Bagay sa'yo ang mapang-akit mong ngiti.
Para sa'kin ba ang mga ngiting iyan?
Sana..
Para kahit naman kaunti, ay mapangiti din ako.

Bagay sa'yo ang maamo mong mukha.
Na inaksesoryahan ng kumikinang na mata,
Matangos na ilong,
At mapang-akit mong ngiti.

Pero may mali.
Sino ang katabi mo?
Siya lang ang hindi bagay sa'yo..
Ang babaeng inaalayan mo ng ngiti at tingin mo.

Masyado kong nahumaling sa'yo.
Ah! "Para po."
Hindi ka kasama sa byahe ng buhay ko.

Saturday, May 8, 2010

Damn. Hell. Crap! I think I'm Inlove. :)



TROPA.




Jake Gamban Trangco Is it our turn to put smile on your face? Is it our turn to hear your Laugh? Or its still you who should do this things all over again? and neglect your own dilemma and give way for our happiness? -- hahahaha. wala lang. ARTE MO!

6 hours ago ·  · 


Look. Think. Stare. Read. Stop. Analyze. :)
Obviously, this was posted by Jake Gamban Trangco on Facebook.
For youn information, para sa akin ang post na ito.
He's one of my "Tropa".
He's one of my tropa na hindi ako iniwan. (I know.)
Hindi man siya laging nandiyan para sa'ken, alam niya naman pag kailangan ko siya.
Pakiramdam.
Yun lang, alam niya ng kailangan ko siya.
Hindi siya perpektong tao.
Pero pare sa'ken, perpekto siyang kaibigan.
If I will be in a world full of fire, he'll bring me to hell to experience the hotter burn to ignite the thought that I'm not in a good place.
Simply, he'll lead me to a brighter path.
If I will be in a chaotic universe, he'll play the song we will be singing 'til our last breath.
Simply, he'll be there throughout the battle.
No many words to say, he's JUST me bestfriend.



--------------------------------------------------
Di ako mapapagod pasayahin ang mga taong nagpapasaya sa'ken.
Sa simpleng tingin nila, masaya na 'ko.
Maiparamdam lang nilang mahalaga ko, masaya na 'ko.
Tawanan lang nila ang mga hirit ko, masaya na 'ko.
E nung ngang makilala ko sila, masaya na 'ko.
Hindi ko na kailangan ng iba.
Sila lang, masaya na 'ko. :)


(maglalagay sana kong picture namin, kaso, wala kong mahanap na picture na buo kami. :))

Thursday, May 6, 2010

KWAGO AKO. :)


Owls stayed at night to hunt their preys.
I don't need preys.
LOVE, as I pray.
Can I find love in the darkness of the night?
(Smiling)
I can.
(Sigh)
But I won't.
Who the hell can love me?
An owl who turns his back to pursue a new mission.
Not to find a prey,
But to find the answer on his prayer.

"isa pa ba ako sa kanila?"


eto yung mga salitang umiikot ngayon sa utak ko.
may mga taong sinasabe kaseng mahalaga pa ko sa kanila.
pero hindi na nila maparamdam, o hindi ko na maramdaman.
ako ba ang may kasalanan?
sila ba ang dapat sisihin?

this was the message I sent to them that caught their attentions. (I guess.. and I hope.)

"MAY NATUTUNAN AKO!!

pag pala may iniwan kang isang mahalagang bagay,
may mang-iiwan din sa'yo.

masaket. kase makikita mo nalang ang sarili mong umiiyak.

mas masaket. kase akala mo, may tutulong sa'yo.

pinakamasaket. kase ang inaasahan mong tutulong sa'yo, wala pala pag kailangan mo.

hahaay.. lessons learned!
i should get use ti it.
SALAMAT sa bagong leksyon.
everytime i learn new things, I thank God.

sad? oh no..
it is whole-heartedly appreciated.

this ain't for you."



and yea..
some replied!
curious about the message.
it disappoints me.
di man lang nila nakita ang mensahe ng mensahe ko.

kaya sa mga panahong to..
naiisip ko kung isa pa ba ko sa kanila.

hayaan mo munang isipin ko.
habang pinahihirapan ko ang sarili ko.

Wednesday, May 5, 2010

Marami akong kaibigan.
Lahat, kaibigan ko.
Magaling  ako.
Matalino ako.
Matalino ako.
Lumilipad ako.

May kwenta ko.
Hindi ako naiinggit.
Kaibigan ang turing sa’kin ng mga kaibigan ko.
At ganun din ako sa kanila.
Masaya ako.
Lumilipad ako.

Pasado ko sa exam.
Masaya ako.
Nagmahal ako,
At minahal ako.
Mahal ko siya.
At mahal niya ko.
Masaya ako.
Lumilipad ako.

Magaling ako sa lahat ng bagay.
Lahat nagagawa ko.
Masaya ko.
Masaya ko!
Di ako naiinggit,
Dahil lumilipad ako.

Mayaman ako.
Marami akong pera.
Lahat nabibili ko,
Dahil mayaman ako.
Masya ko,
Habang lumilipad ako.

Sa paglipad ko,
Nabali ang pakpak ko.
Bumagsak ako,
At nagising ako.
Ang saya, ang galling,
Ang talino, ang kaibigan,
Ang yaman, ang pagmamahal,
At ang paglipad ay naiwan sa panaginip.
Reyalidad?
Pantasya?
Reyalidad.

I'LL BE ON YOUR HEAD.
TURNING BLOOD INTO WINE. :)

WALANG KONEKSIYON!


owls talk by lilia73

Iyak.
Umiyak ka hindi dahil mahina ka.
Sigaw!
Sumigaw ka hindi dahil galit ka.
Magbuntong-hininga.
Huminga ka ng malalim at hayaan mong sa saglit na panahon, maranasan mo ang sarap ng buhay.
Higa.
Humiga ka at ilapat mo ang katawan mo sa kama.
Magpahinga.
Mamahinga ka muna at hayaan mo muna sila.
Pahingi naman ako ng konting oras?
Oras para maranasan kong isa ulit akong bata.
Musmos na walang iniisip kundi ang maglaro, kumaen at matulog.
Para hindi na kailangan tipirin ang hininga.
Magbabaka-sakaling sa pagiyak ko, may magpupunas ng luha ko.
May makikinig sa mga sigaw ko.
May magliligtas sa mga hiningang bibitiwan ko.
May maglalatag sa hihigaan ko.
May lugar para silungan at pahingahan ko.
Pahingi ng konting panahon?
Panahon para magawa ang mga bagay na gusto ko.
Mga bagay na hindi kamusmusan ang maghahatid sa’kin.
Gusto kong umiyak, pero natatakot akong baka punasan mo ang luha ko.
Gusto kong sumigaw, pero natatakot akong baka marinig mo ako at patahimikin ako.
Gusto kong huminga ng malalim, kaso baka hindi mo ko sagipin sakaling iyon na ang huli.
Gusto kong humiga pero pa’no ka?
Ayaw kitang iwan.
Gusto kong magpahinga pero pa’no ka?
Hindi na kita mababantayan.
Iyak.
Umiyak ka dahil naghihina ka na.
Sigaw!
Sumigaw ka dahil galit ka na.
Magbuntong-hininga.
Huminga ka ng malalim dahil sumisikip na.
Higa.
Humiga ka dahil pagod ka na.
Magpahinga.
Mamahinga ka dahil nanghihina ka na, galit, sumisikip na at dahil pagod ka na.

Tuesday, May 4, 2010

waa!!

After updating my media player, (I call update even all the songs listed on the player were all songs from the past.) I was so inspired to write something. Something that will lessen the loads of my head as well as my chest. Something that will bring the past back. Something that will.. Uh, will..
- Beautiful Girl by Jose Mari Chan is playing. “It was destiny’s game when love finally came on.”
- I’m lying on a sort of a thick itchy blanket which I’m not used to lie on.
- That’s what you get when you let your heart win.
- I can’t grab the best idea to write in.
- Ugh! Come idea, come!!
- Politics? Nooo!
- Shake yer head is playing.
- Oops! I catch a deep breath.
- “I saw it comin’ around. And so I just yeah shook my head and walked away”
- Maselang Bahaghari.
Because of Maselang Bahaghari by Eraseheads, I am now inspired to write a song. Uh, I have nothing to write! I can’t even think of something that will lessen the loads of my head and my chest. Maybe because I can’t express what’s inside. (C’mon! Burst it out!)
I have lots of hidden sentiments. I can’t tell it one by one. Shut up! The hell they care about my sentiments? Pause.
My head feels like it will rupture anytime.
My chest senses a sudden beat that points the unwavering position of the moon.
That’s the moon I looked up before I go to bed.
That’s the moon that I talked to when I was scolded by my mom.
That’s the moon that smiled at me when I cry.
That’s the same moon that plays along with me in the dreadful days of my life.
Ah!  Damn! My head is throbbing.
Moon, would you mind singing me a lullaby?
(Hmm.. La la la..)
I am hearing a good music.
I close my eyes.
Arms wide open.
Ready to embrace the life..
The life after death.
Panting.
Black!
Moon, goodnight, goodbye for good.
GIVE THIS POEM ITS OWN TITLE.
-          I’m forcing myself to feel sleepy. (HAHA)
-          GOODNIGHT!
-          Play. I choose Arthur’s Theme.
-          When you get between the moon and New York City, I know it’s crazy but it’s true.
When you get between the moon and New York City, the best that you can do, the best that you can do is fall in love.
                What time is it? 1:26am. SLEEP. SLEEP. SLEEP.
*Last Song*
                NO! What’s next? Oh! Ulan by Rivermaya. J
                                Hiwaga ng panahon kasabay ng ambon sa fiesta ng?? fiesta ng ano?? HAHAHA. Di ko alam yun a! …Ulaaannn.. Sinong di mapapasayaw ng ulaaaannn…? Sinong di mababaliw sa ulan?
                                                                                     
GOODNIGHT!

*i'm loving orange*

Wednesday, April 28, 2010

Sinipat kita mula sa malayo.
Pinilit kitang hanapin.
At nagtagumpay ako.
Nakita kita.
Aray!
(Humawak sa ulo)
Muli kitang sinilayan.
Bumalik ka sa alaala ko.
Hindi ko napigilan.
Natakpan ng sandamanak na luha ang mga mata ko.
Aray!!
Hanggang nagyon pala,
NASASAKTAN PA KO.

Sunday, April 25, 2010

AKO O SILA?

Kailan ba ko huling tumawa? Yung tawang hindi ako nag-iisa. Yung tawag pakiramdam ko, naalis ang problema ko. Yung tawang kasabay ng paghithit ko ng sigarilyo at pag-inom ng alak. Yung tawa dahil sa kwentong gusto kong ulit-ulitin sa utak ko. Yung tawang akala ko wala ng bukas. Yung tawa bago matulog. Yung tawang bukas aalalahanin pa dahil mapagkukwentohan pa. Yung tawang dahil sa kanila. Yung tawang hatid nila. Yung tawanan kasama nila.
Siguro ang dapat kong itanong, kalian ko sila huling nakasama? Matagal na din nung huli kaming nagkasama-sama. Wala kog ideya kung bakit hindi na kami makumpleto at kung bakit hindi ko na nakikita ang iba sa mga tropa ko. Madami na kasing naglalabasang mga dahilan kapag may napagplanuhang get-together. When I say madame, madame talaga! Iba-iba. Minsan, paulit-ulit. “Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.” Oo nga naman. Hindi makagawa ng paraan. At madaming dahilan. Meaning, ayaw! May nagsabi na din sa’kin na iba-iba na daw kase ng sched. Hindi kaya pati pakitungo nila iba-iba na din? What if pati tropa nila iba na din? Sabe pa, busy na daw kase. So ako never naging busy? Ako kasi yung taong hindi tumatanggap ng mga dahilan na napag-iisipan ko ng iba pang mga bagay. Siguro nga iba-iba ang mga tao. At lalong hindi ko hawak ang mga isip nila. Pero eto kasi yung mga valid na reasons para sa’ken. Isipin niyong ako ang nagsasabe nito sa inyo.
1. Tinatamad ako.
2. May nauna na kong napangakuang sasamahan.
3. Ayoko MUNA sumama.
4. Hindi ako pinayagang umales.
5. Kasama ko kasi yung mga kaklase ko, di ako pwede.
6. Wala akong pera.
7. Biglang may dumating. Hindi na pwedeng umalis.
8. Wala ko sa bahay.
9. Kakagising ko lang.
10. Di ko nareceive texts niyo.
11. Ayoko, kasama si _____.
12. Hindi ako pwede ngayon.
13. Hindi na makakapunta dahil wala ng kasabay.
14. Ayoko dun. Malayo.
15. AYOKO NA KAYO KASAMA!!!
Now, decide which is which. Which is valid and which is not! These were some of those effin’ reasons I encountered before everytime we’re having a get-together. Siguro, may ibang nag-iisip na minsan nalang ako pumunta kapag niyayakag ako. Gusto ko kasing maranasan yung pakiramdam kapag nagsasabi ng mga dahilang to. Hindi naman ganung kaganda sa pakiramdam, pero naisip ko, bakit paulit-ulit nilang sinasabi to? Naiisip ko lang.
Napapansin ko na din na nag-iba na sila. Mataas na sila at mahirap na abutin. May ibang nahihirapan na kong iapproach dahil minsan, napapahiya lang ako. Parang wala na din akong halaga sa kanila. Pakiramdam ko, wala naman silang pake kung sasama ba ko o hinde. Kaibigan ko pa ba sila? Masasabi kong kalahati ng pagkatao ko ang mawawala kung mawawala sila. May mawawala ba sa kanila kung mawawala ako? Kalian ulit ako tatawa?

Sunday, April 18, 2010

Date, galit ako sa kanya dahil simula ng dumating siya, nawala na ang atensiyon sa’ken ng lahat ng tao sa paligid ko. Natutuwa sila dahil unti-unti siyang natututo habang lumalaki siya. Natutuwa sila, habang ako, nasa gilid. Tumitingin sa mapag-arugang turing ng mga tao sa kanya—galit ako.
Nabigyan ako ng pagkakataong alagaan siya. Gumante ako at pinaiyak siya. Lumayo ang loob niya sa’ken at wala kong pake! Wala kong pake dahil isa siya sa mga nagpamiserable ng buhay ko. Pakiramdam ko kase, kasabay ng pagkawala ng atensiyon sa’ken ang unti-unti na ding din a pag-aaruga sa’ken. Ginawa ko ang lahat pero wala. Nabaling na talaga ang mga mata nila sa batang walang alam.
Hanggang sa iniwan ko na nga ang kabataang isip ko. Lumaki na ko at natuto. Nabaling na din ang mga mata ko sa kanya. Naaiintindihan ko na kung bakit mabilis niyang nakuha ang atensiyon ng iba. Dahil hindi siya basta bata. Siya pala ang magtuturo sa akin ng pagtalikod sa nakasanayan kong nakakasilaw na ilaw ng pagpansin. Hindi niya pala pinamiserable ang buhay ko. Tinuruan niya lang ako.
Napamahal na ko sa kanya. Oo, minahal ko na siya. Pero nagsisisi ako dahil ang paglayo ng loob niya ay di na nawala. Iwas na siya sa’ken. Nakakapangsisi. Lumaki na siya at nagkaisip na. Nakakalaro ko siya. Tinuturuan ko din siya pero hanggang bilang at letra lang. Mas mahalaga ang tinuro niya sa’ken. Ah!! Siya nga pala si Roy, pamangken ko. Pinagkalooban siya ng maayos na katawan, talino, kabaitan at higit sa lahat, hiwalay na magulang. Umalis si Roy sa piling ng mga taong minsa’y nawili at natuwa sa kanya. Dahil naghiwalay na nga ang magulang niya, lumayo na siya at walang katiyakan kung babalik pa.
Muli, nagsisisi ako dahil di ko pa sinulit ang mga panahong nakasama ko siya. Pero ang pangako ko ngayon, ‘pag nagging matagumpay ako, ipapadamo ko sa kanya ang di niya nadama nung bata pa siya. Dahil kung may dapat man akong pasalamatan sa pagiging matalino ko sa mga bagay-bagay, siya yun! Dahil minulat niya ko sa mundong kasunod ng kabataan.
Naalala ko ang pamagken ko.. Sana nasa maayos siyang lagay. Kilala pa niya kaya ako?

Thursday, April 8, 2010

I’ll let you do things you are good at.
You said, “let it all out!
Then you put your hand on my back.
Slowly.
Gently.
I was caressed by that touch.
Up. Down. Up. Down.
Again, slowly and gently.
I was about to hug you but I’m afraid.
Afraid that you will remove your hand on my back.
I love how you passionately rubbed your skin on mine.
As I bowed my head and heaved a sigh.
How I wish this night be ours forever.
For I take pleasure in how you whisper the words that motivates me to do my best.
I did my best!
Shots of effin’ tequila bring me this kind of drive.
An impetus to do such things.
But it was worth it!
I love the feeling after doing that.
Relieved..
You were good.
Thanks for the advice.
I was encouraged.
The lifeless night is over..


para sa mga di nang-iwan. (:
mahal ko kayo lahat!
masaya na ko..

Wednesday, March 31, 2010

Blogger Buzz: Blogger integrates with Amazon Associates

Blogger Buzz: Blogger integrates with Amazon Associates

"God, give me the courage and strength to surpass every challenges the world has set for me."

sleep, sleep, sleep..
sabe ng sistema ko.
think, think, think..
sabe ng utak ko.

ARAW, liwanagan mo ang utak ko.
ituro mo ang landas na tatahakin ko.

BUWAN, balutin mo ng lamig ang katawan ko.
kasing lamig ng gabing dala mo.
balutin mo ko, nang ni kahit ano ay di maramdaman ng katawan ko.

HANGIN, dalhin mo ako sa lugar kung saan payap,
at makakapag-isip ako ng tama.
tara!! isama mo ko.

ULAN, bumuhos ka!
ihele mo ko sa gabing ito na hindi kayang liwanagan ng araw ang utak ko,
na hindi kayang balutin ng buwan ng lamig ang katawan ko,
na hindi ako kayang dalhin ng hangin sa lugar na gusto ko.
ihele mo ako..
ihele mo ko hanggang makatulog ako at maipahinga ko ang katawan at utak ko.

Tuesday, March 30, 2010

Im Leaving On A Jetplane



Salamat sa pagpapalaya sa akin.
Salamat sa saglit na pagtanggap sa akin.
Salamat sa mga puyatan at sandamanak na kahirapan.
Salamat sa MGA natutunan.
Salamat sa mga hamon na nagpatatag sa akin.
Salamat sa mga pagsubok na nagpakilala sa akin kung sino talaga ako.
Salamat sa pagpaparamdam na kahit minsan, naging matalino ako.
Salamat sa pagsasabing isa ako sa mga napili mo.
Salamat sa gabi-gabing kasiyahan kasama ang mga housemates ko.
Salamat sa araw-araw na pahirap sa mga subjects ko!
Salamat sa mga naging prof ko.
Salamat sa org ko--UPhilSAMS, at mga tao sa likod nito.
Salamat sa mga kaibigan ko.
Salamat sa mga naniwala sa akin.
Salamat sa umagang gigising ako at diderecho na sa CR para maligo.
Salamat sa gabing nagsisilbing walang katapusang paglipad.
Salamat sa ingay mula sa "wangwang" na nagsisignong kailangan ko ng umales ng bahay para pumasok.


Huling "wangwang" na ba ang narinig ko kanina??
Signo na ba ito para umalis na ko?
OO. Maraming salamat UPLB!
Aalis na ko..
Iiwan na kita.
Minahal kita, at naramdaman kong minahal mo ko.
Pero maghihiwalay na tayo?
Yaan mo, babalik ako pag buo na ulit ako.
Babalik ako, at walang magbabago.
Kung sisikat man ako, dadalhin ko ang pangalan mo.
Pinahirapan mo man ako, naiintindihan ko. (:
Pinapaiyak mo ko..
Ayoko kitang iwan, pero kailangan!
Para sa akin din to.
Wag kang mag-alala, di kita makakalimutan.
Kasama ng mga taong tumulong sa akin sa pahirap mo, di ko kayo makakalimutan.
Babalikan ko kayo..
Hayaan mong hanapin ko muna sarili ko, ang puso ko.
Suportahan mo na lang ako.
UPLB, salamat.
UPLB, paalam!
UPLB, iba ka sa lahat!
UPLB, di kita malilimutan!

(ginawa ko to habang parang may nakabara sa lalamunan ko, at binabarahan ng luha ang mga mata ko.)

Sunday, March 28, 2010

SUMUSUKO NA BA KO?

Sumusuko na ba ko?
Ang tangkang pag-alis ko ay di nangangahulugang sumusuko na ko. Hinahanap ko lang ang sarili ko. Sa pag-alis ko, hindi pa ako talo. Ilulugar ko lang sarili ko sa labang alam kong hindi ako dehado. Nanalo na ko, at naranasan ko na din ang pagkatalo. Natuto ko sa pagkatalong yon. Bumangon at nagpatuloy. Pero parang siklo ang mga nangyayare. Paulit-ulit at nagsasawa na ako. Paulit-ulit at nasanay na ako. Paulit-ulit at bugbog na ako.
Sumusuko na ba ako? Nabasag at nawala ang sarili ko. Binubuo at hinahanap ko pa ang hanggang ngayong nagtitiis sa pahirap na sarili ko. Nabasag ako at unti-unti ko ng binubuo. Pinupulot ko at isa-isang pinagdurugtong. Ang naghiwa-hiwalay na bahagi ay pilit pinagtatabi at pinababalik ang kahapong kasing lumanay ng pag-agos ng ilog sa aking mga mata na pilit pinapatigil ng bumabalikwas kong katawan.
Sumusuko na ba ako? Sa pag-alis ko, ipagpapatuloy ko ang labang sinimulan ko. Ipagpaptuloy ko sa paraang alam ko. At alam kong hindi na ko matatalo. Na sa muli, hinding-hindi ko na mararanasan ang pagkatalong nagdulot sa aking leksyon--ako ay mahina atmay mga bagay na hindi kaya. Ilulugar ko ang sarili ko sa dwelong magpapatunay na hindi ako mahina at oo, may mga bagay na hindi ko kaya.
SUMUSUKO NA BA AKO? Papatunayan ko..

Saturday, March 27, 2010

let me experience how to live...


di ako nagpatalo. inilulugar ko lang ang sarili ko sa dwelong alam kong di ako dehado. (magsismula dito ang emosyong walang makakintindi at walang nakakaintindi kundi ako.)

kailangan ko pa ba talagang lumaban sa kabila ng nakikita kong kahinaan? kailangan ko pa ba talagang lumaban kung alam kong talo na ko at wala ng laban? kailangan ko pa ba talagang lumaban kung naghari na siya? hindi ko gustong sumuko pero wala na kong makitang dahilan para ituloy pa ang laban na sinimulan ko. anu pang silbi ng pagtuloy kung sa simula palang, wala ka na? ginawa ko ang lahat pero wala pa din. TALUNAN.

nalalasap ko ang karangyaan, kasiyahan at kasikatan pag nandito ko. pero nabubulagan ako ng karangyaan, kasiyahan at kasikatan. araw-araw kong sinusuot ang maskarang mapanlinlang. ang maskarang naghihiwalay ng pantasya sa katotohanan. ang maskarang minsang naging mukha ko sa madla.

pero nararamdaman kong nalalapit na ang pagkawala ng liwanag sa likod ng mapanlinlang na mukha. na bukas, lalantad sa madla ang minsang pinahirap na mukha ng mapag-eskandalong mndo ng pag-aaral. bukas, pupulutin ang sariling minsan ng nabasag at ihaharap sa makabagong mundong lalaruin ang kahapon ko.


dito mapapatunayang hindi dito ang lugar ko, pero walang papalit sa nilugaran ko. hindi ako para dito, pero ang pagdaan ko ay para sa mga taong napasaya ko. na ang ginugol kong oras ay para sa mga kaibigan kong nagpapadali ng matagal na oras at mahabang panahon. na ang ginastos na pera ay para sa poste ng ilaw at bangang walang silbi.

na ang kaalamang minsang natutunan ay magpapaalala na ang reyalidad ng buhay ay di matatapos sa pagsulat, pagbasa at pagkabisa. kundi sa tawanan, kaibigan, ekspiryensiya, laong lalo na sa poste at banga! (naintindihan niyo?)