Kahapon,
Sinamahan mo kong tahakin ang daang pinilit nating dinaanan para masabing,
ISA TAYO SA NAPILI NIYA.
Sabay tayong humakbang, tumalon, tumakbo, nanghina, bumagsak at sumuko.
Sinamahan mo ko sa panahong ika’y humahakbang, habang ako.. nanghihina.
Pinilit mo kong pinabangon nung bumagsak ako at isinabay mo ko nung tumalon ka.
At nung sususko na ako at pakiramdam ko’y nag-iisa ko, tumakbo ka at dinamayan ako.
Kahapon, pinaramdam mong may kaibigan ako.
Ngayon,
Sinabit mo ang makulay na telang nagsabi sa’king “Sige!”
Ibinulong mo ang mga salitang kanina ko pa hinihintay sa kanila.
At ikaw lang ang nakapagbulong sa’kin ng bagay na ‘yon.
Itinuro mo sa’kin ang kangina pang hindi ko maisip.
Itinulak mo ko sa banging akala ko’y matarik.
..sa pagbagsak ko, natuto kong lumipad.
Ang tanging hawak ko ay itim na lapis.
Pero kinulayan mo ng dilaw ang araw.
..ng pula ang rosas.
..ng asul ang ulap.
..at ng berde ang dahon.
Ah! Ngayon, tinuruan mo ko. At muli, pinaparamdamn mong may kaibigan ako.
Bukas,
Limang minuto nalang at babagsak na ang kanina mo pang hinihintay, ang ulan.
Bubuhos ito upang sabuyan ng kulay ang paghakbang mo sa mundong di ka sigurado.
Ihehele ka sa mga gabing tinakot ka ng kulog.
Papakalmahin ka sa paghanga mo sa kidlat.
At kung hindi umepekto?
Lalakas siya at magiging bagyo.
Siya.
Siya ang magiging sandata mo sa sisimulan mong mundo.
Ang ulan na minsan mong pinaanudan ng bangkang lulan ang ‘yong pangarap.
Ang patak nito na pinilit mong inabot mula sa bubong hanggang sa iyong palad.
Siya ang magsisilbing awitin mo sa malumbay na gabi.
At bukas, maalala mo kung paano mo pinaramdam na may kaibigan ako.
I made this poem for Marione and I just want to share it with my readers. :)
No comments:
Post a Comment