Siguro ang dapat kong itanong, kalian ko sila huling nakasama? Matagal na din nung huli kaming nagkasama-sama. Wala kog ideya kung bakit hindi na kami makumpleto at kung bakit hindi ko na nakikita ang iba sa mga tropa ko. Madami na kasing naglalabasang mga dahilan kapag may napagplanuhang get-together. When I say madame, madame talaga! Iba-iba. Minsan, paulit-ulit. “Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.” Oo nga naman. Hindi makagawa ng paraan. At madaming dahilan. Meaning, ayaw! May nagsabi na din sa’kin na iba-iba na daw kase ng sched. Hindi kaya pati pakitungo nila iba-iba na din? What if pati tropa nila iba na din? Sabe pa, busy na daw kase. So ako never naging busy? Ako kasi yung taong hindi tumatanggap ng mga dahilan na napag-iisipan ko ng iba pang mga bagay. Siguro nga iba-iba ang mga tao. At lalong hindi ko hawak ang mga isip nila. Pero eto kasi yung mga valid na reasons para sa’ken. Isipin niyong ako ang nagsasabe nito sa inyo.
1. Tinatamad ako.
2. May nauna na kong napangakuang sasamahan.
3. Ayoko MUNA sumama.
4. Hindi ako pinayagang umales.
5. Kasama ko kasi yung mga kaklase ko, di ako pwede.
6. Wala akong pera.
7. Biglang may dumating. Hindi na pwedeng umalis.
8. Wala ko sa bahay.
9. Kakagising ko lang.
10. Di ko nareceive texts niyo.
11. Ayoko, kasama si _____.
12. Hindi ako pwede ngayon.
13. Hindi na makakapunta dahil wala ng kasabay.
14. Ayoko dun. Malayo.
15. AYOKO NA KAYO KASAMA!!!
Now, decide which is which. Which is valid and which is not! These were some of those effin’ reasons I encountered before everytime we’re having a get-together. Siguro, may ibang nag-iisip na minsan nalang ako pumunta kapag niyayakag ako. Gusto ko kasing maranasan yung pakiramdam kapag nagsasabi ng mga dahilang to. Hindi naman ganung kaganda sa pakiramdam, pero naisip ko, bakit paulit-ulit nilang sinasabi to? Naiisip ko lang.
Napapansin ko na din na nag-iba na sila. Mataas na sila at mahirap na abutin. May ibang nahihirapan na kong iapproach dahil minsan, napapahiya lang ako. Parang wala na din akong halaga sa kanila. Pakiramdam ko, wala naman silang pake kung sasama ba ko o hinde. Kaibigan ko pa ba sila? Masasabi kong kalahati ng pagkatao ko ang mawawala kung mawawala sila. May mawawala ba sa kanila kung mawawala ako? Kalian ulit ako tatawa?
No comments:
Post a Comment