Sumusuko na ba ko?
Ang tangkang pag-alis ko ay di nangangahulugang sumusuko na ko. Hinahanap ko lang ang sarili ko. Sa pag-alis ko, hindi pa ako talo. Ilulugar ko lang sarili ko sa labang alam kong hindi ako dehado. Nanalo na ko, at naranasan ko na din ang pagkatalo. Natuto ko sa pagkatalong yon. Bumangon at nagpatuloy. Pero parang siklo ang mga nangyayare. Paulit-ulit at nagsasawa na ako. Paulit-ulit at nasanay na ako. Paulit-ulit at bugbog na ako.
Sumusuko na ba ako? Nabasag at nawala ang sarili ko. Binubuo at hinahanap ko pa ang hanggang ngayong nagtitiis sa pahirap na sarili ko. Nabasag ako at unti-unti ko ng binubuo. Pinupulot ko at isa-isang pinagdurugtong. Ang naghiwa-hiwalay na bahagi ay pilit pinagtatabi at pinababalik ang kahapong kasing lumanay ng pag-agos ng ilog sa aking mga mata na pilit pinapatigil ng bumabalikwas kong katawan.
Sumusuko na ba ako? Sa pag-alis ko, ipagpapatuloy ko ang labang sinimulan ko. Ipagpaptuloy ko sa paraang alam ko. At alam kong hindi na ko matatalo. Na sa muli, hinding-hindi ko na mararanasan ang pagkatalong nagdulot sa aking leksyon--ako ay mahina atmay mga bagay na hindi kaya. Ilulugar ko ang sarili ko sa dwelong magpapatunay na hindi ako mahina at oo, may mga bagay na hindi ko kaya.
SUMUSUKO NA BA AKO? Papatunayan ko..
Kaya mo yan, Ninang. :)
ReplyDeleteKung anumang pinagdadaanan mo, may mga susuporta naman sayo. Sigurado. (Kami pa lang ng housemates mo!) Kung usaping pag-ibig man yan.. UTANG NA LOOB, nakakarelate ako. Magkalapit kaya tayo ng dugo! Mwahaha. Acads ba? Wag mawalan ng pag-asa! O kung anuman yan, just have faith, do your best and everything will be fine. God bless, ninang! (LOL.)
waaa!! salamat teh!
ReplyDeletesalamat sa tawanan, kwentuhan at sa lahat lahat basta!!
MAMIMISS KO KAYO. (:
kukunin ko na kung anu taklagang tinitibok ng puso ko, at kung san ko nakikita ang sarili ko. XD
WAG MO KONG ARTEHAN. Kung itutuloy mo ang laban, ituloy mo ang NASIMULAN MO NA. Yan ang ibig kong sabihin sa pagsabi kong wag kang susuko. ok?
ReplyDeleteMAHAL KA NAMIN.
waaa!! panay pag-iinarte e ano? XD
ReplyDeleteganun talaga teh..
wala kong masabe, shet!!
MALALAMAN NIYO SA TAKDANG PANAHON. (: