Thursday, July 5, 2012

Disclaimer: HINDI AKO EMO.

Nilakad ko mula school hanggang bahay kanina. May pamasahe ako. Wala lang talaga akong tiyagang makipagsiksikan sa mga nagmamadaling tao sa Makati Ave. Hindi din naman ako nagmamadaling umuwi... Umuulan, syempre madilim. Tapos wala akong payong. Sakto!!! Makakapag-emote ako ng bongga! Kapag nakita ako ng tao na naglalakad sa ulan, cool ako tingnan. Kaya naglakad ako.. Pero hindi nila ako tinitingnan. Wala silang pakialam sa'ken. Okay lang, magsa-soundtrip nalang ako. Shet! Mas cool yon, naglalakad sa ulan tapos may nakasabit na earphones tapos malakas yung sounds! Cool ako. May 30minutes din mula sa school hanggang bahay kapag nilakad. Sa sandaling yon, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko... (Dito magsisimula ang kabanatang ako lang ang makakaintindi. O maiintindihan mo din kung may oras kang umintindi o pilitin mong intindihin.) Naiiyak ako. Pakiramdam ko, may kakilala akong nakakakita sa'king naglalakad mag-isa at hinuhusgahan niya ko. Madaming umiikot sa utak niya pero hindi ako sigurado kung tama ang naiisip kong iniisip niya patungkol sa'kin. Wala akong pakialam, naglalakad ako hindi dahil wala akong pamasahe. Naglalakad ako dahil gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag-isip. Gusto kong tumakas muna sa reyalidad ng buhay. Naiiyak ako. Nagbago na 'ko. Madaming nangyare. Sabi ng mama at ate ko, wag akong makisabay sa pagiging sosyal ng mga kaklase ko. Ginagawa ko naman. Naiinggit lang ako. Alam mo, hindi ko naman ugali to e. Kuntento ako sa kung anung meron ako. Masaya na kong madami akong kaibigan kesa sa madaming pera. Pero ngayon, nasisilaw ako sa materyal. Pero napipigilan ko. Sa parteng 'to, gusto kong ipaalam sa'yong madami akong kinaiinggitan.. Payuhan mo ko. Kailangan ko ng kaibigan sa mga oras na 'to. Wala akong makausap. Yung isang taong alam niyang nalulungkot ako sa kabila ng mga tawa ko. Yung isang taong alam niyang napapagod na 'ko at gusto ko ng umuwi ng kahit anong oras sa bahay namin. Yung isang taong alam niyang sa panahong 'to, gusto ko nalang mawala basta. Malapit na kong umiyak. Hinihintay ko yung taong tatanungin ako ng "okay ka lang ba?" Tapos madudurog yung puso at hindi na ko sasagot tapos iiyak nalang ako tapos sasabihin kong "oo, okay na 'ko." Kailangan ko lang ng maiiyakan. Alam mo hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Siguro kasi maulan ngayon at nalulungkot ako kapag umuulan. Magulo lang utak ko, pasensya...