Sunday, April 18, 2010

Date, galit ako sa kanya dahil simula ng dumating siya, nawala na ang atensiyon sa’ken ng lahat ng tao sa paligid ko. Natutuwa sila dahil unti-unti siyang natututo habang lumalaki siya. Natutuwa sila, habang ako, nasa gilid. Tumitingin sa mapag-arugang turing ng mga tao sa kanya—galit ako.
Nabigyan ako ng pagkakataong alagaan siya. Gumante ako at pinaiyak siya. Lumayo ang loob niya sa’ken at wala kong pake! Wala kong pake dahil isa siya sa mga nagpamiserable ng buhay ko. Pakiramdam ko kase, kasabay ng pagkawala ng atensiyon sa’ken ang unti-unti na ding din a pag-aaruga sa’ken. Ginawa ko ang lahat pero wala. Nabaling na talaga ang mga mata nila sa batang walang alam.
Hanggang sa iniwan ko na nga ang kabataang isip ko. Lumaki na ko at natuto. Nabaling na din ang mga mata ko sa kanya. Naaiintindihan ko na kung bakit mabilis niyang nakuha ang atensiyon ng iba. Dahil hindi siya basta bata. Siya pala ang magtuturo sa akin ng pagtalikod sa nakasanayan kong nakakasilaw na ilaw ng pagpansin. Hindi niya pala pinamiserable ang buhay ko. Tinuruan niya lang ako.
Napamahal na ko sa kanya. Oo, minahal ko na siya. Pero nagsisisi ako dahil ang paglayo ng loob niya ay di na nawala. Iwas na siya sa’ken. Nakakapangsisi. Lumaki na siya at nagkaisip na. Nakakalaro ko siya. Tinuturuan ko din siya pero hanggang bilang at letra lang. Mas mahalaga ang tinuro niya sa’ken. Ah!! Siya nga pala si Roy, pamangken ko. Pinagkalooban siya ng maayos na katawan, talino, kabaitan at higit sa lahat, hiwalay na magulang. Umalis si Roy sa piling ng mga taong minsa’y nawili at natuwa sa kanya. Dahil naghiwalay na nga ang magulang niya, lumayo na siya at walang katiyakan kung babalik pa.
Muli, nagsisisi ako dahil di ko pa sinulit ang mga panahong nakasama ko siya. Pero ang pangako ko ngayon, ‘pag nagging matagumpay ako, ipapadamo ko sa kanya ang di niya nadama nung bata pa siya. Dahil kung may dapat man akong pasalamatan sa pagiging matalino ko sa mga bagay-bagay, siya yun! Dahil minulat niya ko sa mundong kasunod ng kabataan.
Naalala ko ang pamagken ko.. Sana nasa maayos siyang lagay. Kilala pa niya kaya ako?

No comments:

Post a Comment