Wednesday, April 28, 2010

Sinipat kita mula sa malayo.
Pinilit kitang hanapin.
At nagtagumpay ako.
Nakita kita.
Aray!
(Humawak sa ulo)
Muli kitang sinilayan.
Bumalik ka sa alaala ko.
Hindi ko napigilan.
Natakpan ng sandamanak na luha ang mga mata ko.
Aray!!
Hanggang nagyon pala,
NASASAKTAN PA KO.

Sunday, April 25, 2010

AKO O SILA?

Kailan ba ko huling tumawa? Yung tawang hindi ako nag-iisa. Yung tawag pakiramdam ko, naalis ang problema ko. Yung tawang kasabay ng paghithit ko ng sigarilyo at pag-inom ng alak. Yung tawa dahil sa kwentong gusto kong ulit-ulitin sa utak ko. Yung tawang akala ko wala ng bukas. Yung tawa bago matulog. Yung tawang bukas aalalahanin pa dahil mapagkukwentohan pa. Yung tawang dahil sa kanila. Yung tawang hatid nila. Yung tawanan kasama nila.
Siguro ang dapat kong itanong, kalian ko sila huling nakasama? Matagal na din nung huli kaming nagkasama-sama. Wala kog ideya kung bakit hindi na kami makumpleto at kung bakit hindi ko na nakikita ang iba sa mga tropa ko. Madami na kasing naglalabasang mga dahilan kapag may napagplanuhang get-together. When I say madame, madame talaga! Iba-iba. Minsan, paulit-ulit. “Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.” Oo nga naman. Hindi makagawa ng paraan. At madaming dahilan. Meaning, ayaw! May nagsabi na din sa’kin na iba-iba na daw kase ng sched. Hindi kaya pati pakitungo nila iba-iba na din? What if pati tropa nila iba na din? Sabe pa, busy na daw kase. So ako never naging busy? Ako kasi yung taong hindi tumatanggap ng mga dahilan na napag-iisipan ko ng iba pang mga bagay. Siguro nga iba-iba ang mga tao. At lalong hindi ko hawak ang mga isip nila. Pero eto kasi yung mga valid na reasons para sa’ken. Isipin niyong ako ang nagsasabe nito sa inyo.
1. Tinatamad ako.
2. May nauna na kong napangakuang sasamahan.
3. Ayoko MUNA sumama.
4. Hindi ako pinayagang umales.
5. Kasama ko kasi yung mga kaklase ko, di ako pwede.
6. Wala akong pera.
7. Biglang may dumating. Hindi na pwedeng umalis.
8. Wala ko sa bahay.
9. Kakagising ko lang.
10. Di ko nareceive texts niyo.
11. Ayoko, kasama si _____.
12. Hindi ako pwede ngayon.
13. Hindi na makakapunta dahil wala ng kasabay.
14. Ayoko dun. Malayo.
15. AYOKO NA KAYO KASAMA!!!
Now, decide which is which. Which is valid and which is not! These were some of those effin’ reasons I encountered before everytime we’re having a get-together. Siguro, may ibang nag-iisip na minsan nalang ako pumunta kapag niyayakag ako. Gusto ko kasing maranasan yung pakiramdam kapag nagsasabi ng mga dahilang to. Hindi naman ganung kaganda sa pakiramdam, pero naisip ko, bakit paulit-ulit nilang sinasabi to? Naiisip ko lang.
Napapansin ko na din na nag-iba na sila. Mataas na sila at mahirap na abutin. May ibang nahihirapan na kong iapproach dahil minsan, napapahiya lang ako. Parang wala na din akong halaga sa kanila. Pakiramdam ko, wala naman silang pake kung sasama ba ko o hinde. Kaibigan ko pa ba sila? Masasabi kong kalahati ng pagkatao ko ang mawawala kung mawawala sila. May mawawala ba sa kanila kung mawawala ako? Kalian ulit ako tatawa?

Sunday, April 18, 2010

Date, galit ako sa kanya dahil simula ng dumating siya, nawala na ang atensiyon sa’ken ng lahat ng tao sa paligid ko. Natutuwa sila dahil unti-unti siyang natututo habang lumalaki siya. Natutuwa sila, habang ako, nasa gilid. Tumitingin sa mapag-arugang turing ng mga tao sa kanya—galit ako.
Nabigyan ako ng pagkakataong alagaan siya. Gumante ako at pinaiyak siya. Lumayo ang loob niya sa’ken at wala kong pake! Wala kong pake dahil isa siya sa mga nagpamiserable ng buhay ko. Pakiramdam ko kase, kasabay ng pagkawala ng atensiyon sa’ken ang unti-unti na ding din a pag-aaruga sa’ken. Ginawa ko ang lahat pero wala. Nabaling na talaga ang mga mata nila sa batang walang alam.
Hanggang sa iniwan ko na nga ang kabataang isip ko. Lumaki na ko at natuto. Nabaling na din ang mga mata ko sa kanya. Naaiintindihan ko na kung bakit mabilis niyang nakuha ang atensiyon ng iba. Dahil hindi siya basta bata. Siya pala ang magtuturo sa akin ng pagtalikod sa nakasanayan kong nakakasilaw na ilaw ng pagpansin. Hindi niya pala pinamiserable ang buhay ko. Tinuruan niya lang ako.
Napamahal na ko sa kanya. Oo, minahal ko na siya. Pero nagsisisi ako dahil ang paglayo ng loob niya ay di na nawala. Iwas na siya sa’ken. Nakakapangsisi. Lumaki na siya at nagkaisip na. Nakakalaro ko siya. Tinuturuan ko din siya pero hanggang bilang at letra lang. Mas mahalaga ang tinuro niya sa’ken. Ah!! Siya nga pala si Roy, pamangken ko. Pinagkalooban siya ng maayos na katawan, talino, kabaitan at higit sa lahat, hiwalay na magulang. Umalis si Roy sa piling ng mga taong minsa’y nawili at natuwa sa kanya. Dahil naghiwalay na nga ang magulang niya, lumayo na siya at walang katiyakan kung babalik pa.
Muli, nagsisisi ako dahil di ko pa sinulit ang mga panahong nakasama ko siya. Pero ang pangako ko ngayon, ‘pag nagging matagumpay ako, ipapadamo ko sa kanya ang di niya nadama nung bata pa siya. Dahil kung may dapat man akong pasalamatan sa pagiging matalino ko sa mga bagay-bagay, siya yun! Dahil minulat niya ko sa mundong kasunod ng kabataan.
Naalala ko ang pamagken ko.. Sana nasa maayos siyang lagay. Kilala pa niya kaya ako?

Thursday, April 8, 2010

I’ll let you do things you are good at.
You said, “let it all out!
Then you put your hand on my back.
Slowly.
Gently.
I was caressed by that touch.
Up. Down. Up. Down.
Again, slowly and gently.
I was about to hug you but I’m afraid.
Afraid that you will remove your hand on my back.
I love how you passionately rubbed your skin on mine.
As I bowed my head and heaved a sigh.
How I wish this night be ours forever.
For I take pleasure in how you whisper the words that motivates me to do my best.
I did my best!
Shots of effin’ tequila bring me this kind of drive.
An impetus to do such things.
But it was worth it!
I love the feeling after doing that.
Relieved..
You were good.
Thanks for the advice.
I was encouraged.
The lifeless night is over..


para sa mga di nang-iwan. (:
mahal ko kayo lahat!
masaya na ko..