Thursday, July 5, 2012

Disclaimer: HINDI AKO EMO.

Nilakad ko mula school hanggang bahay kanina. May pamasahe ako. Wala lang talaga akong tiyagang makipagsiksikan sa mga nagmamadaling tao sa Makati Ave. Hindi din naman ako nagmamadaling umuwi... Umuulan, syempre madilim. Tapos wala akong payong. Sakto!!! Makakapag-emote ako ng bongga! Kapag nakita ako ng tao na naglalakad sa ulan, cool ako tingnan. Kaya naglakad ako.. Pero hindi nila ako tinitingnan. Wala silang pakialam sa'ken. Okay lang, magsa-soundtrip nalang ako. Shet! Mas cool yon, naglalakad sa ulan tapos may nakasabit na earphones tapos malakas yung sounds! Cool ako. May 30minutes din mula sa school hanggang bahay kapag nilakad. Sa sandaling yon, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko... (Dito magsisimula ang kabanatang ako lang ang makakaintindi. O maiintindihan mo din kung may oras kang umintindi o pilitin mong intindihin.) Naiiyak ako. Pakiramdam ko, may kakilala akong nakakakita sa'king naglalakad mag-isa at hinuhusgahan niya ko. Madaming umiikot sa utak niya pero hindi ako sigurado kung tama ang naiisip kong iniisip niya patungkol sa'kin. Wala akong pakialam, naglalakad ako hindi dahil wala akong pamasahe. Naglalakad ako dahil gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag-isip. Gusto kong tumakas muna sa reyalidad ng buhay. Naiiyak ako. Nagbago na 'ko. Madaming nangyare. Sabi ng mama at ate ko, wag akong makisabay sa pagiging sosyal ng mga kaklase ko. Ginagawa ko naman. Naiinggit lang ako. Alam mo, hindi ko naman ugali to e. Kuntento ako sa kung anung meron ako. Masaya na kong madami akong kaibigan kesa sa madaming pera. Pero ngayon, nasisilaw ako sa materyal. Pero napipigilan ko. Sa parteng 'to, gusto kong ipaalam sa'yong madami akong kinaiinggitan.. Payuhan mo ko. Kailangan ko ng kaibigan sa mga oras na 'to. Wala akong makausap. Yung isang taong alam niyang nalulungkot ako sa kabila ng mga tawa ko. Yung isang taong alam niyang napapagod na 'ko at gusto ko ng umuwi ng kahit anong oras sa bahay namin. Yung isang taong alam niyang sa panahong 'to, gusto ko nalang mawala basta. Malapit na kong umiyak. Hinihintay ko yung taong tatanungin ako ng "okay ka lang ba?" Tapos madudurog yung puso at hindi na ko sasagot tapos iiyak nalang ako tapos sasabihin kong "oo, okay na 'ko." Kailangan ko lang ng maiiyakan. Alam mo hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Siguro kasi maulan ngayon at nalulungkot ako kapag umuulan. Magulo lang utak ko, pasensya...

Friday, June 1, 2012

Sana katulad nung una, pareho ang maramdaman ko :) Sa tatlong minutong magiging ako si "The Genesis Alcantara", maiinspire ko ang mga tao. Mapapabilib ko ang magulang ko. Gugustuhin ko pa ulit makaranas ng tatlong minutong yon. Babalitaan kita. Wag kang mag-alala :)

Wednesday, September 7, 2011

Thursday, August 11, 2011

Isipin mo lagi ang unang dahilan kung bakit ka nandito.


Ghen,

Hindi ka napapagod.
Magaling ka. Maniwala ka sa sarili mo.
Wag mo silang kainggitan dahil may sarili kang kakayahan at alam mong mas magaling ka sa kanila sa sarili mong paraan.
Maraming naniniwala sa'yo at dapat mong gamitin 'yon ng positibo at wag kang makakaramdam ng takot.
May mga bagay kang hindi kaya, alam mo yan.
May mga bagay kang hindi mo pa alam, maghintay ka lang. matututunan mo din yan sa tamang panahon.
Wala ka man ng mga bagay na meron sila, kuntento ka naman.
Madaming nagmamahal sa'yo. Kasing dami ng mga taong naniniwala sa'yo.
Hindi ka man kasing galing nila, may kakayahan ka namang hindi nila kaya o mas magaling ka.


Umiyak ka lang kung nahihirapan ka na - tao ka rin, naiintindihan kita.

'Wag kang makisabay sa tao.
Makisabay ka sa daloy ng katsa papadikit sa manikin - at saka bumuo ka ng damit.

At kung napapagod ka, basahin mong paulit-ulit ang sulat ko sa'yo.


Oo nga pala. ihuli mo ang unang linya.


-Genesis Bundalian Alcantara

Wednesday, August 3, 2011

Naalala ko siya bigla. Pero okay na ko. :)

Let’s see if you will receive this.

I’m alone here.. Sa kusina, nag-iinternet. Eto lang naman ang alam kong gawen kapag bored ako. At alam ko, eto din yung bagay n ayaw mong ipagawa sken, MINSAN, dahil alam mong maraming temptations sa internet and I’m sure (if I’m not mistaken), you don’t want me to be tempted Yea.. By this time, kakatext ko lang sa’yo. Alam mo kung anong sabe ko? “I love you.” Alam ko.. Hindi kita ganung mapaniwala kapag sinasabe ko yun kase una, hindi ko alam kung alam mo bang sincere ako pag sinasabe ko yun. Just so you know, I’m sincere and I know what I’m saying. At pangalawa, alam kong hindi pa ganun kaintimate ang pagsasama naten kaya hindi kita masisise kung hindi mo ko paniwalaan.

Okay, so what’s the purpose of this message nga ba? We’ve been seeing each other for a while. Yes, I fall that easily. Uhm, by the way. Alam mo ba date, hindi ako nakikineg sa kwento ng mga tao sa palibot ko. siguro kung makikinig man ako, sandal lang. Tatawa ng konte, then I will turn my back and leave. Pero ngayon, I love listening to all your stories. I love it. I just love it. I love staring at your face as you tell your stories one by one. I love it when you notice me looking at you and what I really like is how you will smile as if you are shy and look at me with only the eyes moving and then we will laugh together. I miss it. I miss you. I love you. I love how you show me how special I am. I love the way you talk. I love the way you laugh. I LOVE YOU. I can’t explain. I just loved and loving you. Unfortunately, it’s growing everyday.

I want to say sorry ‘cause I am not able to give back the special attention you’re giving me. But one thing’s for sure. You’re so dear to me. You’re very special. You are loved. Thank you. Thank you for making me feel that I’m not alone. I love you. Thank you for making me realize that I’m afraid to be hurt. I love you.

I love you *******. Without explanations, I love you. You made me cry for the first time. I was crying while composing this message

I love you!

Tuesday, February 22, 2011

Fashion Designer

Ganitong oras talaga ko natutulog- 4am. Hindi ko alam. Sanay na kasi ako.. Pero iba ang puyat na 'to.

Wala kong ginawang kakaiba- kinulit ko housemates ko, nag-ingay ako sa apartment, nanghiram ng broadband para may gagamiting pang-internet buong magdamag at naglugaw.

Edi nagfefacebook ako. Napansin kong offline pala ako sa chat(box). So, nag-online ako. Chinat ako ni Sir Bryan Macabuhay telling me to join in a contest daw (in line with fashion designing). Edi nagtatanong ako ng sandamanak na tanong. Sinagot niya naman. :) Sa dulo ng tagpo, naging interesado ko. Gusto ko. Gustong gusto.. Babalitaan kita. Malapit na :)

Matutupad ko na pangarap ko. :)

Saturday, February 5, 2011

Anong pakiramdam kapag nagpatugtog ka ng isang buong kanta tapos nakatitig lang sa litrato mo?


Anong pakiramdam kapag nagpatugtog ka ng isang buong kanta tapos nakatitig lang sa litrato mo? Masaket.

Hi blog! Nasasaktan ako ngayon. Naiiyak ako. Naaalala ko siya. Kanina, tinittigan ko lang yung picture niya. Oo, isang buong kanta ang pinalipas ko. Ok lang 'yun! Shit! Eto yung ayokong pakiramdam - yung tipong madami ka pang gustong sabihen pero hindi mo maisip kung pano. :'| Namimiss ko siyaaaaa............(to be continued)

Saturday, January 15, 2011

Para Sa'yo :)




January 9, 2011. Naisipan kitang sulatan, total magkikita tayo kinabukasan.
November 4, 2010. Yan yung araw na hindi ko malilimutan. Yun yung gabing may training ako kinabukasan pero mas pinili kong magspend ng oras sa’yo ‘til 3am. Tanda ko, hiyang hiya ka no’n. Nararamdaman ko. Nakaupo ka lang sa kama, no actions. That was the first time magkita tayo kase. Kaya ang ginawa ko, kinausap kita ng kinausap para mapalapit ka agad sa’ken at ako sa’yo. Tanda mo ba? Naligo pa ko non kase kakagaling ko lang din sa training. Nagbihis ako after maligo. Napansin nating pareho tayo ng tsinelas. Havaianas na brown. Syempre, tumawa tayo. Hindi naman talaga nakakatawa diba? Pero mas pinili nating tumawa kase yun na lang ang pinakamadaling gawen sa mga oras na yon. “Anong movie gusto mong panoorin?” “Ikaw na bahala! Anong meron ba jan [sa laptop]?” “Ah eto!” Magkatabi nating pinanood ang movieng pinili ko. Naging okay naman yung gabi diba? Oo, ako yung unang humawak ng kamay mo. Ayaw mo kasing hawakan yung akin e. Ako na nag-initiate! Dun na nagsimula ang lahat. Lahat-lahat. Dun nagsimulang mahalin kita. Dun ko nalamang mabilis ka patawanin. Dun mo nalamang hindi kasing babaw ng kaligayahan mo ang kaligayahan ko. Dun nagsimulang paikutin ko ang mundo ko sa’yo. Dun nagsimulang lahat ng bagay sa paligid ko, ikaw ang naaalala ko. Oo, nung gabing yon, naging sa’yo ko. Buong-buo, naging sa’yo ko. May mga oras na hindi mo ko naiintidihan pero pinilit mo kong intindihen. Ang mali ko, binaliwala ko lahat ng ginawa mo. Hanggang sa nawalan tayo ng communication Hindi mo ko napanood sa concert namin dahil hindi ako nakapagtext sa’yo. Alam mo bang isa yun sa mga pangarap ko? Yung makasayaw sa loob ng DL Umali Auditorium. Sinabi ko sa’yong manood ka kase gusto ko andun yung mahal ko pag nagawa ko na yung pangarap ko. Bad thing, hindi mo ko nakita. Nalungkot ako. Pero ayos lang. May kasalanan din ako. Sayang, hindi mo na ko makikitang sumayaw. Sayang!
December 9, 2010. Sumayaw ulit ako sa loob ng DL Umali. Gusto mo kong panoorin, pero sabi ko, wag na kasi mabilis na sayawan lang naman yun. Sayang! Kung alam kong yun na yung huling beses na makikita mo ko sumayaw, sana pinapanood na kita. Sayang, kung alam kong yun na yung hule, sana naipakita ko sa’yo kung ga’no ko kasaya sa bagay na gustung-gusto kong ginagawa. Gusto kitang mapabilib. Sana pala, pinapanood na kita. Pagtapos ng sayaw ko, nagkita tayo. Pinakilala kita sa mga kaibigan ko. Tanda mo pa ba sila? Si James, si Tys at si Raemon. Sila yung mga kaibigan ko sa Wyre. Yung grupo ko. Tatlo sila sa madaming nakakaalam kung ga’no kita kamahal. Alam nila dahil nagkekwento ko sa kanila. Umupo tayo sa upuan sa loob ng campus. Nabigyan na tayo ng pagkakataon para mag-usap. Namiss kita non. Sinabi ko naman sa’yo diba? Sinabi mo din saken na namiss mo din ako. Hindi ko alam kung san tayo dapat pumunta. Kaya ang ginawa ko, niyakag kitang maglakad sa loob ng campus. Paikot. Kahit sa nakakatakot na lugar. Pero okay lang. Kasama naman kita e. Doon, nag-usap tayo tungkol sa hindi natin pagcocommunicate minsan. Naayos naman natin yun diba? Nagpromise akong lagi na kong magtetext sa’yo. Tanda ko pa sinabi mo: “Okay lang naman kahit hindi e. Ang gusto ko lang, alam ko lahat ng ginagawa mo. Pero pag naman nagsabi kang wala kang load o hindi ka makakatext, maiintindihan ko naman.” Napangiti ako, sabay sabing “Hinde! Lagi na kong magtetext.” Pagbalik natin sa bench, umupo tayo dun mula 1 ata yun hanggang 2:30. Tanda mo pa ba kung anung ginawa natin don habang nakaupo? Pinatutunog ko yung daliri mo. Ikaw naman, kahit nasasaktan ka, okay lang. Hindi ko alam kung baket. Pagtapos kong patunugin yung daliri mo, hinawakan mo kamay ko... Pinatunog mo den. Hindi ako nasaktan kase sanay naman ako. Lagi ko din kasing ginagawa yun. Nung tapos na, hinawakan mo ng mahigpit yung kamay ko. Mahigpet na mahigpet. Tinago natin yung kamay natin sa takot na baka may taong makapansin. Pinapanood mo pa nga ako ng mga patawang banat ni Kaye Brosas jan sa iPod mo. Gusto mo kase kong patawanin kase sabe mo, mahirap akong mapatawa. Natutuwa ka kapag tumatawa ko. Ako naman, pinipigilan ko yung tawa ko kase ayokong matuwa ka masyado. Ang KJ ko no? Pinarinig mo pa sken yung mga recorded songs mo. Nagrequest pa nga ko e. Tanda mo pa ba? With a smile nirequest ko. Sabe mo: “Osige, tatry ko yun!” napansin nating wala ng ilaw yung Sta. Claus. Pati yung Christmas Tree. Pero nakaupo pa din tayo sa bench. Tanda mo pa ba kung bakit tayo umalis sa bench na inuupuan naten? Matatawa ka. Dahil may mga baklang napicturan sa patay na ilaw ni Sta. Claus at umupo sa bench malapit sa bench na inuupuan natin. Sabe ko: “Tara, dun nalang tayo sa apartment. Tapos na siguro mag-inuman yung mga tao dun.” Edi lakad tayo papuntang apartment. Malas! Hindi pa sila tapos mag-inom. Kaya pumunta nalang tayo sa loob ng kwarto namen. Pinakilala kita sa housemates ko. Tanda mo pa ba sila? Sila Kathy, Diane at Karen. Hindi ko napakilala lahat kase nahihiya ako. Natuwa sila kase, totoo ka pala. Yung taong kinukwento ko lagi sa kanila, nasa harap na nila. Ngumingiti kapag binabati siya, may dala pang RealLeaf na binili natin sa MiniStop. Mag-aalastres nung natapos yung mga nag-iinuman. Pumunta tayo sa tambayan. Tanda mo pa ba kung san yon? Doon, doon nagpatuloy ang lahat. Doon ko napatunayang mahal talaga kita. Mahal na mahal. Doon ko napatunayang hindi na ko takot masaktan. Ready na ko magmahal. At ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Ikaw. Doon mo unang narinig na mahal kita. Sinabihan kita don ng “I love you!” Tanda mo pa ba? Sumagot ka din naman e. Sabe mo, “I love you.” Ang sarap marinig. At kahit madilim don, pinipilit kong makita kung pano mo yun sinasabe. Pabulong man, parang malakas pag naririnig ko. Ang sarap pakinggan. Dahil sa pagitan ng bawat halik, nagsasabihan tayo ng I love you. Hanggang sa inabot na tayo ng 4:30. Ayaw mo pang umalis pero pinilit kita kase baka maabutan ka nanaman ng Mama mo at pagalitan ka. Pinilit kong pauwiin ka na. Bumili pa nga tayo ng Chuckie sa MiniStop. Tanda mo pa ba? Nung may padating ng sasakyan, sabe mo: “Sasakay na ba ko? Ayoko pa.” Sabe ko: “Sumakay ka na.” Kung alam ko lang na yun na pala yung huling beses na makakasama kita sa ganung pagkakataon, sana pala sinulit ko na. Sana pala hinayaan na kitang mapagalitan ng Mama mo. Para makasama lang kita ng matagal. Sana pala hindi muna kita pinasakay ng jeep. Sana pala sinulit ko muna yung pagkakataon. Kung alam ko lang na huli na yon, sana pinabagal ko yung oras. Yung tipong tayo lang yung normal. Para habang paparating yung jeep, nasasabi ko sa’yo lahat ng gusto kong sabihen. Kahit madaming mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Okay lang.. Pero wala na, nakasakay ka na ng jeep e. Hanggang text ko na lang nasabe. Naging masaya ako. Masayang masaya.
December 10 hanggang ngayon, hindi ko na alam. Ikaw na ang makakapagkwento niyan. Hindi na ako ang kasama mo sa mga oras na to. Hindi na ko ang kasama mo sa puyatan. Hindi na ko kasama mong tumatawa. Hindi na ko kinukwentuhan mo. Hindi na ko hinahalikan mo. Hindi na ko mahal mo. Eto yung mga panahong lahat ng nasa paligid ko, wala na. Nasa iba na. Yung nagpapaikot ng “mundo” ko, hindi na ako. Hindi na ako yung iniintindi mo. Pero ayos lang! Alam kong masaya ka. Masayang masaya. Ako naman.. Okay lang. Sinasanay ko na ulit yung sarili kong kumilos ng wala ka. Katulad nung date, nung hindi pa kita kilala. Masasanay din ako. :)
January 10, 2011. 1:06am. Gusto kitang pasalamatan. Sabi nga nila diba, wag kang malungkot dahil tapos na, maging masaya ka dahil nangyare. Masaya ko. Masayang masaya. Dumating ka sa buhay ko ng di inaasahan. Pinasaya mo ko. Tinuruan mo ko. Pinaniwala mo ko sa mga bagay na date hindi ko pinaniniwalaan. Tulad ng ano? Tulad nung may magmamahal din pala saken. Sa kahit na mabilis na oras, may nagmahal sken. May nagmahal sken ng totoo. Naramdaman kong espesyal ako. Naramdaman kong merong pagmamahal sa mundo ko. Kahit saglet, nagmahal ako, at minahal ako. Salamat kase pinaramdam mo sken yon. Maraming salamat!
May magkahiwalay tayong mundo. Marami tayong makikilala habang nilalakbay natin ‘to. Pero alam mo, eto yung mga bagay na maalala ko pag narinig ko yung pangalan mo. Lahat ng nabasa mo dito, hindi ko makakalimutan. May mga taong makakasalubong natin habang naglalakad tayo. Minsan, may kakausapin tayo, minsan okay lang, papansinin din naman. Pero hindi ko makakalimutang minsan, nakatayo lang ako sa may tapat ng Caldi habang inaantay ka. At nung nakita kitang naglalakad papalapit sken, naging isa yung mundo naten. Hindi kita kilala pero kinausap kita. Hindi mo ko kilala pero hinawakan mo ko nung hinawkan kita. Hindi tayo magkakilala, pero sabi ni tadhana: “Sige na nga! Pagbibigyan ko kayo. Pero saglit lang ha? Hindi siya para sa’yo. Padadaanin ko lang siya sa buhay mo.” Salamat kay Tadhana kase pinadaan ka niya sa mundo ko. TOTOO. Laking pasasalamat ko. Bakit ba? E naging masaya ko e.
Masyado na yatang nahaba yung sulat ko. :D Salamat kasi kahit sa huling saglet, nilaan mo yung konting oras para basahin yung sulat ko. Napag-isipan ko na lahat ng bagay.. Madami akong nalaman. Pero wala ng galit sa’ken. Masaya ko para sa inyo. :) TOTOO. *******! (Unang beses na mababanggit yung pangalan mo sa sulat ko. AHAHAHAHA.) Wag mo kong kakalimutan ha? Hindi man naging maganda love story naten, okay lang ako. TOTOO. Tandaan mo to ha? Madali kang mahalin, pero mahirap kang kalimutan. :) Andito lang din ako lagi para sa’yo. Kung may mananakit sa’yo, sabihin mo sken. Aawayin ko. HAHAHA. Sa kanya naman, kung sasaktan ka lang niya at paiiyakin, sabihin mo sken. Aagawin talaga kita sa kanya. TOTOO. Ingatan mo sarili mo ha? Andito lang ako.. Salamat! Siguro, habang binabasa mo to, nasa eLBi na ko or nasa kung saan man ako, doing my thing kase ngayon mo lang natapos basahin sulat ko sa sobrang haba! HAHAHAHA. Enjoy *******! Tanda mo pa ba yung toblerone ko na sinabi ko sayong kakainin ko lang pag kasama kita? Andito pa siya sken. :) O pano? Hanggang dito na lang! Buhbye! Maraming maraming maraming salamat! ISMAYL! :)
Tanda mo pa tong pictures na to?


Ghen.

Sunday, October 31, 2010

Hihiga ako at papanoorin kita habang pinapalakpakan ka ng mga taong humahanga sa’yo...


Humiga ako dahil sanay ako sa posisyong ito habang nanonood ng telebisyon ng biglang...



Kumakalabog ang platong nakapatong sa lamesa.
Kinakain ng pusa ang ulam na itinira ko para sa’yo.
Nabusog siya, habang ikaw, tumatakbong papalapit sa kanya at akmang hahampasin siya ngunit wala ka ng magagawa dahil ubos na ang ulam mo.
Magmumukmok ka dahil nawalan ka?
Bakit hindi ka bumile ng bago?
Dahil ba gusto mo ang ulam na tinira ko sa’yo?
Hindi na siya para sa’yo dahil inagaw na siya ng pusa.
Una’y ako, ngunit nagsawa ako kaya itinira ko na lamang sana para sa’yo, ngunit hindi mo binantayan at madali siyang nadagit ng pusa.
Antayin mo’t magsasawa din siya.
Ngunit wag kang magtataka sa makikta mo kung tinik nalang ang maabutan mo, at inubos na ng pusa ang laman ng asawa mo.