Saturday, March 27, 2010

let me experience how to live...


di ako nagpatalo. inilulugar ko lang ang sarili ko sa dwelong alam kong di ako dehado. (magsismula dito ang emosyong walang makakintindi at walang nakakaintindi kundi ako.)

kailangan ko pa ba talagang lumaban sa kabila ng nakikita kong kahinaan? kailangan ko pa ba talagang lumaban kung alam kong talo na ko at wala ng laban? kailangan ko pa ba talagang lumaban kung naghari na siya? hindi ko gustong sumuko pero wala na kong makitang dahilan para ituloy pa ang laban na sinimulan ko. anu pang silbi ng pagtuloy kung sa simula palang, wala ka na? ginawa ko ang lahat pero wala pa din. TALUNAN.

nalalasap ko ang karangyaan, kasiyahan at kasikatan pag nandito ko. pero nabubulagan ako ng karangyaan, kasiyahan at kasikatan. araw-araw kong sinusuot ang maskarang mapanlinlang. ang maskarang naghihiwalay ng pantasya sa katotohanan. ang maskarang minsang naging mukha ko sa madla.

pero nararamdaman kong nalalapit na ang pagkawala ng liwanag sa likod ng mapanlinlang na mukha. na bukas, lalantad sa madla ang minsang pinahirap na mukha ng mapag-eskandalong mndo ng pag-aaral. bukas, pupulutin ang sariling minsan ng nabasag at ihaharap sa makabagong mundong lalaruin ang kahapon ko.


dito mapapatunayang hindi dito ang lugar ko, pero walang papalit sa nilugaran ko. hindi ako para dito, pero ang pagdaan ko ay para sa mga taong napasaya ko. na ang ginugol kong oras ay para sa mga kaibigan kong nagpapadali ng matagal na oras at mahabang panahon. na ang ginastos na pera ay para sa poste ng ilaw at bangang walang silbi.

na ang kaalamang minsang natutunan ay magpapaalala na ang reyalidad ng buhay ay di matatapos sa pagsulat, pagbasa at pagkabisa. kundi sa tawanan, kaibigan, ekspiryensiya, laong lalo na sa poste at banga! (naintindihan niyo?)

No comments:

Post a Comment