Wednesday, March 31, 2010

Blogger Buzz: Blogger integrates with Amazon Associates

Blogger Buzz: Blogger integrates with Amazon Associates

"God, give me the courage and strength to surpass every challenges the world has set for me."

sleep, sleep, sleep..
sabe ng sistema ko.
think, think, think..
sabe ng utak ko.

ARAW, liwanagan mo ang utak ko.
ituro mo ang landas na tatahakin ko.

BUWAN, balutin mo ng lamig ang katawan ko.
kasing lamig ng gabing dala mo.
balutin mo ko, nang ni kahit ano ay di maramdaman ng katawan ko.

HANGIN, dalhin mo ako sa lugar kung saan payap,
at makakapag-isip ako ng tama.
tara!! isama mo ko.

ULAN, bumuhos ka!
ihele mo ko sa gabing ito na hindi kayang liwanagan ng araw ang utak ko,
na hindi kayang balutin ng buwan ng lamig ang katawan ko,
na hindi ako kayang dalhin ng hangin sa lugar na gusto ko.
ihele mo ako..
ihele mo ko hanggang makatulog ako at maipahinga ko ang katawan at utak ko.

Tuesday, March 30, 2010

Im Leaving On A Jetplane



Salamat sa pagpapalaya sa akin.
Salamat sa saglit na pagtanggap sa akin.
Salamat sa mga puyatan at sandamanak na kahirapan.
Salamat sa MGA natutunan.
Salamat sa mga hamon na nagpatatag sa akin.
Salamat sa mga pagsubok na nagpakilala sa akin kung sino talaga ako.
Salamat sa pagpaparamdam na kahit minsan, naging matalino ako.
Salamat sa pagsasabing isa ako sa mga napili mo.
Salamat sa gabi-gabing kasiyahan kasama ang mga housemates ko.
Salamat sa araw-araw na pahirap sa mga subjects ko!
Salamat sa mga naging prof ko.
Salamat sa org ko--UPhilSAMS, at mga tao sa likod nito.
Salamat sa mga kaibigan ko.
Salamat sa mga naniwala sa akin.
Salamat sa umagang gigising ako at diderecho na sa CR para maligo.
Salamat sa gabing nagsisilbing walang katapusang paglipad.
Salamat sa ingay mula sa "wangwang" na nagsisignong kailangan ko ng umales ng bahay para pumasok.


Huling "wangwang" na ba ang narinig ko kanina??
Signo na ba ito para umalis na ko?
OO. Maraming salamat UPLB!
Aalis na ko..
Iiwan na kita.
Minahal kita, at naramdaman kong minahal mo ko.
Pero maghihiwalay na tayo?
Yaan mo, babalik ako pag buo na ulit ako.
Babalik ako, at walang magbabago.
Kung sisikat man ako, dadalhin ko ang pangalan mo.
Pinahirapan mo man ako, naiintindihan ko. (:
Pinapaiyak mo ko..
Ayoko kitang iwan, pero kailangan!
Para sa akin din to.
Wag kang mag-alala, di kita makakalimutan.
Kasama ng mga taong tumulong sa akin sa pahirap mo, di ko kayo makakalimutan.
Babalikan ko kayo..
Hayaan mong hanapin ko muna sarili ko, ang puso ko.
Suportahan mo na lang ako.
UPLB, salamat.
UPLB, paalam!
UPLB, iba ka sa lahat!
UPLB, di kita malilimutan!

(ginawa ko to habang parang may nakabara sa lalamunan ko, at binabarahan ng luha ang mga mata ko.)

Sunday, March 28, 2010

SUMUSUKO NA BA KO?

Sumusuko na ba ko?
Ang tangkang pag-alis ko ay di nangangahulugang sumusuko na ko. Hinahanap ko lang ang sarili ko. Sa pag-alis ko, hindi pa ako talo. Ilulugar ko lang sarili ko sa labang alam kong hindi ako dehado. Nanalo na ko, at naranasan ko na din ang pagkatalo. Natuto ko sa pagkatalong yon. Bumangon at nagpatuloy. Pero parang siklo ang mga nangyayare. Paulit-ulit at nagsasawa na ako. Paulit-ulit at nasanay na ako. Paulit-ulit at bugbog na ako.
Sumusuko na ba ako? Nabasag at nawala ang sarili ko. Binubuo at hinahanap ko pa ang hanggang ngayong nagtitiis sa pahirap na sarili ko. Nabasag ako at unti-unti ko ng binubuo. Pinupulot ko at isa-isang pinagdurugtong. Ang naghiwa-hiwalay na bahagi ay pilit pinagtatabi at pinababalik ang kahapong kasing lumanay ng pag-agos ng ilog sa aking mga mata na pilit pinapatigil ng bumabalikwas kong katawan.
Sumusuko na ba ako? Sa pag-alis ko, ipagpapatuloy ko ang labang sinimulan ko. Ipagpaptuloy ko sa paraang alam ko. At alam kong hindi na ko matatalo. Na sa muli, hinding-hindi ko na mararanasan ang pagkatalong nagdulot sa aking leksyon--ako ay mahina atmay mga bagay na hindi kaya. Ilulugar ko ang sarili ko sa dwelong magpapatunay na hindi ako mahina at oo, may mga bagay na hindi ko kaya.
SUMUSUKO NA BA AKO? Papatunayan ko..

Saturday, March 27, 2010

let me experience how to live...


di ako nagpatalo. inilulugar ko lang ang sarili ko sa dwelong alam kong di ako dehado. (magsismula dito ang emosyong walang makakintindi at walang nakakaintindi kundi ako.)

kailangan ko pa ba talagang lumaban sa kabila ng nakikita kong kahinaan? kailangan ko pa ba talagang lumaban kung alam kong talo na ko at wala ng laban? kailangan ko pa ba talagang lumaban kung naghari na siya? hindi ko gustong sumuko pero wala na kong makitang dahilan para ituloy pa ang laban na sinimulan ko. anu pang silbi ng pagtuloy kung sa simula palang, wala ka na? ginawa ko ang lahat pero wala pa din. TALUNAN.

nalalasap ko ang karangyaan, kasiyahan at kasikatan pag nandito ko. pero nabubulagan ako ng karangyaan, kasiyahan at kasikatan. araw-araw kong sinusuot ang maskarang mapanlinlang. ang maskarang naghihiwalay ng pantasya sa katotohanan. ang maskarang minsang naging mukha ko sa madla.

pero nararamdaman kong nalalapit na ang pagkawala ng liwanag sa likod ng mapanlinlang na mukha. na bukas, lalantad sa madla ang minsang pinahirap na mukha ng mapag-eskandalong mndo ng pag-aaral. bukas, pupulutin ang sariling minsan ng nabasag at ihaharap sa makabagong mundong lalaruin ang kahapon ko.


dito mapapatunayang hindi dito ang lugar ko, pero walang papalit sa nilugaran ko. hindi ako para dito, pero ang pagdaan ko ay para sa mga taong napasaya ko. na ang ginugol kong oras ay para sa mga kaibigan kong nagpapadali ng matagal na oras at mahabang panahon. na ang ginastos na pera ay para sa poste ng ilaw at bangang walang silbi.

na ang kaalamang minsang natutunan ay magpapaalala na ang reyalidad ng buhay ay di matatapos sa pagsulat, pagbasa at pagkabisa. kundi sa tawanan, kaibigan, ekspiryensiya, laong lalo na sa poste at banga! (naintindihan niyo?)