Thursday, August 11, 2011

Isipin mo lagi ang unang dahilan kung bakit ka nandito.


Ghen,

Hindi ka napapagod.
Magaling ka. Maniwala ka sa sarili mo.
Wag mo silang kainggitan dahil may sarili kang kakayahan at alam mong mas magaling ka sa kanila sa sarili mong paraan.
Maraming naniniwala sa'yo at dapat mong gamitin 'yon ng positibo at wag kang makakaramdam ng takot.
May mga bagay kang hindi kaya, alam mo yan.
May mga bagay kang hindi mo pa alam, maghintay ka lang. matututunan mo din yan sa tamang panahon.
Wala ka man ng mga bagay na meron sila, kuntento ka naman.
Madaming nagmamahal sa'yo. Kasing dami ng mga taong naniniwala sa'yo.
Hindi ka man kasing galing nila, may kakayahan ka namang hindi nila kaya o mas magaling ka.


Umiyak ka lang kung nahihirapan ka na - tao ka rin, naiintindihan kita.

'Wag kang makisabay sa tao.
Makisabay ka sa daloy ng katsa papadikit sa manikin - at saka bumuo ka ng damit.

At kung napapagod ka, basahin mong paulit-ulit ang sulat ko sa'yo.


Oo nga pala. ihuli mo ang unang linya.


-Genesis Bundalian Alcantara

2 comments:

  1. ghen i love you. naniniwala akong kaya mo yan. kung late man tong comment ko sa nararamdaman/naramdaman mo okay lang.. just so you know nandito ako lagi..one of yur biggest fan!!!!MWA

    ReplyDelete
  2. Sana may magsulat din sa akin ng ganyan. Maswerte ka may nagsulat sa iyo ng ganito ;)

    ReplyDelete