Sumulat ako para maranasan ang ginagawa ng isang manunulat. Bumasa ako para matuto ng iba't ibang estilo ng pagsulat. Pero sumusulat ako sa paraang alam ko. Gumawa ng mga bagay na sariling akin at sa utak ko mismo nagmula.
Sunday, October 31, 2010
Hihiga ako at papanoorin kita habang pinapalakpakan ka ng mga taong humahanga sa’yo...
Humiga ako dahil sanay ako sa posisyong ito habang nanonood ng telebisyon ng biglang...
Kumakalabog ang platong nakapatong sa lamesa.
Kinakain ng pusa ang ulam na itinira ko para sa’yo.
Nabusog siya, habang ikaw, tumatakbong papalapit sa kanya at akmang hahampasin siya ngunit wala ka ng magagawa dahil ubos na ang ulam mo.
Magmumukmok ka dahil nawalan ka?
Bakit hindi ka bumile ng bago?
Dahil ba gusto mo ang ulam na tinira ko sa’yo?
Hindi na siya para sa’yo dahil inagaw na siya ng pusa.
Una’y ako, ngunit nagsawa ako kaya itinira ko na lamang sana para sa’yo, ngunit hindi mo binantayan at madali siyang nadagit ng pusa.
Antayin mo’t magsasawa din siya.
Ngunit wag kang magtataka sa makikta mo kung tinik nalang ang maabutan mo, at inubos na ng pusa ang laman ng asawa mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Alam mo yung malungkot?
ReplyDeleteKapag puro langgam yung apartment. >:)
Hindi ko ata alam? :DD
ReplyDelete